Wednesday, June 8, 2011

Kung Babae na ang manligaw


Sa panahong ito, kung saan may boses na ang mga kababaihan at mas protektado tayo ng batas, sa lipunan tayo pa rin ay tinitingalang mga babae, isang kasarian na sumisimbolo sa kahinaan, pagiging-emosyonal at pagbubuntis o pagpaparami. Kaya't marami pa rin ang hindi sang-ayon kung ang babae ang magsisibak ng kahoy panggatong, mangangaso para sa hapunan at mag-iigib ng tubig.

Bagamat maraming kwento noong unang panahon tungkol sa mga kababaihang matagumpay na naipakita sa buong mundo na higit pa sila sa isang babaeng dinikta ng lipunan, hangang sa panahon ngayon ilang pa rin ang marami kung ang babae ang siyang manliligaw sa isang lalake.

Isang rebolusyonaryong gawi kung saan ang babae ang magbibigay ng bulalak, mang haharana at siyang maghahatid-sundo sa kanyang nililigawang lalaki ay sadyang kakatuwa, ngunit marami pa rin ang tutol sa ganitong konsepto. Bakit? Dahil natural sa tao ang iwaksiv[sa simula] ang kahit anomang pagbabago sa nakaugalian, hangang sa dumating ang panahong na ito ay isang ordinaryo at nakakasawa nang konsepto sa mga teleserye at pelikula.

No comments: