Wednesday, May 18, 2011

Paunang-lunas


Mamasa-masa pa ang pamahid na nilukot at 'tinupi sa palad nitong sawi. Ito raw ang gagamiting panlunas sa kanyang karamdaman, siyang hayuk sa kaalaman sa panggagamot, sa kalusugan, sa lahat tungkol sa katawan ng tao.

Dadampi sa iyong ilong ang halimuyak ng hindi naagapang sugat. Tuluy-tuloy ang pag-agos...


Oo, umiiyak din siya tuwing nakikita na ang bulkan ay maaaring namumulaklak, tumatawa siya tuwing naaalala niyang tumawa at mas madalas pa ito kaysa sa kanyang paghinga.

No comments: