Kapag tulaan na ang pinag-usapan,
puso na ang nagsasalita,
Wala nang magagawa pa ang mga mambabasa kundi pagmasdan
kung paano nahugis ang bawat katagang
animo'y mga patak ng luhang
kusang dumausdos sa pisngi ng manunulat
at sadyang nahulog sa pahina.
Sa tuwing nais kong sabihin ang mga salitang
di ko maintindihan ay
nakatahi ang mga mata ko sa'yong direks'yon,
tahimik kang pinagmamasdan sa malayo
hangang sa paglapit
unti-unting binuburda ang tingin,
sa'yo...
Halos abot-kamay ko na ang pisnging
gumaspang na sa ilang araw na pagliban sa pag-ahit,
Halos dama ko na ang maiinit na hiningang mula sa
usok ng naupos na sigarilyo.
Halos dinig ko na ang pintig ng pusong,
hindi man bumilis kahit sa tabi ko...
at ito raw ay pag-ibig.
No comments:
Post a Comment