Monday, May 23, 2011

Nag-iisa lang si Eba



"Oh, woman, woman! When to ill thy mind is bent,
all Hell contains no fouler fiend." Homer
Kung mapapansin ang isang peras sa isang kaing ng patatas, siya lang itong nangingibabaw, hindi dahil matamis ang ngiti kundi siya lang itong may tangkay, may buto at hindi kailangang lutuin para makain. 

Pero, hindi siya habang-buhay na isang bunga ng puno ng peras, sinubok din niyang tumira sa lupa, para lang malaman kung pumipintig ang mundo. At ang bawat pintig nito ang nagbibigay lakas ng loob sa kanya. Ngunit para sa isang patatas na ipinanganak sa lupa ito ang ugong ng impiyerno.

Ngunit ang peras, kapag 'di na natatakluban ng balat, sa ihip lang ng hangin ay nabubulok.


"Sapagkat ako'y isang babae, kaya bata pa lang ay tinuruang magbaka-sakali."

Ang larawang ito ay kinukha noong ika-6 ng Mayo taong 2011, matapos ang Open Water Survival sa Nasugbu, Batangas. Iilan ang mga nakalangoy ng tatlong milya, ngunit lahat naman ay maayos na nakabalik sa pampang. Ako ang isa sa kakaunting babaeng nagfacilitate nito. Anila'y ang huling babaeng kasama nilang lumangoy ay limang taon na ang nakararaan (makikita rin siya sa larawan).

Pangarap kong makilala siya, siyang sinasabi nilang "the future me". Natuwa rin ako nang malaman kong natapos na niya ang mga kurson ngayon ko pa lamang pinag-aaralan at balak pag-aralan. Nakita ko kung gaano siya kakampante sa dagat, animo'y sumasabay sa alon ang paghinga niya. Samatalang ako'y hindi sapat ang ensayo at kailangan pang patalimin sa palihan.

No comments: