Tuesday, May 17, 2011

Pagkamusta


Matagal na rin pala nang nagsulat ako sa isang blog, sa nakaraang 5 taon, naka-tatlong blog ako sa iba't ibang site at isang video diary sa youtube. Bumalik ang interes ko sa pagsusulat dahil sa mga taong nakapaligid sa akin at ang 3 istoryang pilit kong tinatapos at naiwan nang nakatiwangwang sa archives ng aking computer. Sa kung ano'ng dahilan ay ginusto ko ulit magsulat sa Pilipino, at ito ay mahirap para sa akin dahil matagal ko nang iniwan ang pangarap na ito, ilang taon ko na rin hindi pinapansin ang mga e-mails at invitations para sumali sa mga patimpalak o sa mga palihan ng pagsulat.

Mahirap para sa akin na magsulat muli dahil hindi na rin ako sanay sa wikang ginagamit ko maging sa malikhaing pagiisip. Ganun pa man maraming diwa ukol sa pagsusulat ang dumudungaw sa aking isip, ngunit ito'y sanhi na lang ng mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid ko. Ang mga librong

No comments: